Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging Pilipinas na lang ang bansang wala pang diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ng usaping ito dahil sa mahigpit na pagsuporta at pagkontra ng mga taong pabor at di-pabor sa nasabing panukalang pagsasabatas lalo na ng Simbahang Katoliko dahil labag diumano ito sa kanilang doktrina.
Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa upang maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Ngunit hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos na parang fairy tale. May pagsasamahan na sa paglipas ng panahon ay unti-unting naging marupok at tuluyang inanod ng kataksilan. Nagiging masama ang samahan, nagkakaroon ng malalim na hidwaan at kawalan ng tiwala ay ilan lamang sa mga bagay na sadyang nagpapagulo sa mabuting samahan ng mag-asawa. Minsan ay umaabot ito sa marahas na away at hanggang mauwi sa hiwalayan. At dahil sa kasal ay hindi agad pwedeng basta na lang maghiwalay ang mag-asawa. Dahil dito wala silang karapatan na muling magmahal at umibig. Maghihintay muna sila ng mahabang panahon hanggang sa maideklara ng korte na wala ng bisa ang kasal.
May kasalukuyang batas ang Pilipinas na may kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang legal separation at annulment of marriage. Ngunit ang nasabing mga batas diumano ay hindi ganap ang nagiging tugon sa mga kasong ito.
Sinasabing ang diborsyo ang
makakapagbigay kasagutan sa mga isyung ito. Lahat halos ng bansa sa buong mundo ay may ganitong batas, anuman ang kanilang paniniwala at relihiyon. Nakakapagtaka na ang mga Pilipino ay patuloy na nagpapakonserbatibo sa pamamagitan ng turo ng simbahan gayong ang mga bansang mismong pinagmulan nito ay matagal ng tinangkilik ang ganitong batas. Ang Spain na matagal tayong pinamahalaan at nagdala ng Kristiyanismo sa ating bansa ay may ganitong batas. Maging ang bansang Brazil na may pinakamalaking bilang ng Katoliko sa mundo ay tinangkilik din ito. Ang Italy na kung saan ay kalapit lang ang Vatican na sentro ng Katolisismo ay ginagamit din ito. Maging ang Israel na kung saan ipinanganak at namuhay ang panginoong Hesus ay isinabatas na ito.

Malaking kasalanan ba ang pagpasa ng nasabing batas? Imoral ba itong matatawag? Bakit naman tanging Pilipinas na lang ang wala nito. Ibig sabihin ba ay mas mataas ang moral natin kumpara sa ibang bansa? Malamang hindi. Nagkataon lang siguro na karamihan sa mga Pilipino ay ipokrita at ipokrito. Bagamat bawal ang aborsyon ay talamak itong nangyayari. Libo-libong kaso nito ang naiuulat. Bawal ang premarital sex pero wala na yatang ikinakasal sa ngayon ang “virgin” pang matatawag.Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging Pilipinas na lang ang bansang wala pang diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ng usaping ito dahil sa mahigpit na pagsuporta at pagkontra ng mga taong pabor at di-pabor sa nasabing panukalang pagsasabatas lalo na ng Simbahang Katoliko dahil labag diumano ito sa kanilang doktrina.
Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa upang maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Ngunit hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos na parang fairy tale. May pagsasamahan na sa paglipas ng panahon ay unti-unting naging marupok at tuluyang inanod ng kataksilan. Nagiging masama ang samahan, nagkakaroon ng malalim na hidwaan at kawalan ng tiwala ay ilan lamang sa mga bagay na sadyang nagpapagulo sa mabuting samahan ng mag-asawa. Minsan ay umaabot ito sa marahas na away at hanggang mauwi sa hiwalayan. At dahil sa kasal ay hindi agad pwedeng basta na lang maghiwalay ang mag-asawa. Dahil dito wala silang karapatan na muling magmahal at umibig. Maghihintay muna sila ng mahabang panahon hanggang sa maideklara ng korte na wala ng bisa ang kasal.
ng mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang legal separation at annulment of marriage. Ngunit ang nasabing mga batas diumano ay hindi ganap ang nagiging tugon sa mga kasong ito.
Sinasabing ang diborsyo ang makakapagbigay kasagutan sa mga isyung ito. Lahat halos ng bansa sa buong mundo ay may ganitong batas, anuman ang kanilang paniniwala at relihiyon. Nakakapagtaka na ang mga Pilipino ay patuloy na nagpapakonserbatibo sa pamamagitan ng turo ng simbahan gayong ang mga bansang mismong pinagmulan nito ay matagal ng tinangkilik ang ganitong batas. Ang Spain na matagal tayong pinamahalaan at nagdala ng Kristiyanismo sa ating bansa ay may ganitong batas. Maging ang bansang Brazil na may pinakamalaking bilang ng Katoliko sa mundo ay tinangkilik din ito. Ang Italy na kung saan ay kalapit lang ang Vatican na sentro ng Katolisismo ay ginagamit din ito. Maging ang Israel na kung saan ipinanganak at namuhay ang panginoong Hesus ay isinabatas na ito.
Malaking kasalanan ba ang pagpasa ng nasabing batas? Imoral ba itong matatawag? Bakit naman tanging Pilipinas na lang ang wala nito. Ibig sabihin ba ay mas mataas ang moral natin kumpara sa ibang bansa? Malamang hindi. Nagkataon lang siguro na karamihan sa mga Pilipino ay ipokrita at ipokrito. Bagamat bawal ang aborsyon ay talamak itong nangyayari. Libo-libong kaso nito ang naiuulat. Bawal ang premarital sex pero wala na yatang ikinakasal sa ngayon ang “virgin” pang matatawag.
Ang diborsyo ay isang batas na napakahalaga. Nagbibigay ito ng solusyon para sa mga hindi naging matagumpay na kasal at pagsasamahan. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon uli ng tsansa ang mga nabigo at hindi naging matagumpay sa unang pagsasama na muling umibig at sumubok ng ikalawang relasyon. Ipagkakait ba natin ito? Lahat naman ay nagkakamali. Hindi lahat ng kasal at pagsasama ay nauuwi sa panghabambuhay. Ang diborsyo ay para sa mga taong nasawi sa unang kasal.
Wala itong pinagkaiba sa kasalukuyang batas natin na Annulment of Marriage kung moralidad ang pag-uusapan. Iniba lang ang pangalan, kung tinangkilik ang una bakit hindi ito? Magpaka-totoo tayong mga Pilipino. Maging bukas ang isipan. Isabatas ang diborsyo!

No comments:
Post a Comment